Hindi sapat yung dahilan na “Mahal” mo siya. Eh paano na ang sarili mo? Hindi mo na pahahalagahan? Sakanya nalang lahat? Hindi pwedeng ganon. Mahalin mo rin ang sarili mo. Kung alam mong ginawa mo na ang lahat, pero basura ka pa rin sa paningin niya, at palaging tini-take for granted, TUMIGIL KA NA. Hindi niya deserve ang taong tulad mo dahil hindi niya alam ang halaga mo, bilang babae, at bilang tao.
—-
Someone will walk into your life one day and You will finally understand why the relationships in your past never worked out.
(Source: masayanamanakoeh)
Alam kong parang napaka-conceited naman ng tanong na ito. Pero, minsan, napapaisip din ako… Kung may tao kayang iniisip ako lagi? Yung taong pinapangarap ako? Yung taong laging sinasabi sa sarili niyang, “Shet, sana akin nalang siya.” pero napakatorpe lang kaya hindi niya maamin?
Ang sarap lang isipin. Totoo ngang napakaimportante ng utak ng tao, at least sa isang “imagination”, napapagaan ang nararamdaman mo.
—-
(Source: vi-anne)

